FAQ
Nangolekta kami ng mga sagot sa ilan sa mga pinakamadalas itanong tungkol sa Family Link. Kung ginagamit mo na ang app at may sarili kang tanong, puwede mong tingnan ang aming Help Center para sa higit pang impormasyon.
Paano ito gumagana
Gamit ang Family Link mula sa Google, magagawa ng mga magulang na subayabyan ang kanilang mga anak na bata o teenager at panatilihin silang mas ligtas online habang nag-e-explore sila sa mga Android at ChromeOS device.
Una, kailangan ng bata/teenager ng compatible na device (tingnan kung aling mga device ang gumagana sa Family Link). Pagkatapos, i-sign in ang bata/teenager sa device. Kung sinusubaybayan na ang bata/teenager sa pamamagitan ng Family Link, makakatulong ang pag-sign in para ma-set up nila ang parental controls. Puwede ring idagdag ng mga magulang ang Family Link mula sa Mga Setting ng Android kung hindi pa sinusubaybayan ang teenager sa pamamagitan ng Family Link.
Puwede ring gumawa ang mga magulang ng Google Account para sa kanilang anak na wala pang 13 taong gulang (o ang naaangkop na edad sa iyong bansa). Kapag kumpleto na ito, makakapag-sign in ang mga bata sa kanilang device gamit ang bago nilang account.
Kapag naka-link na ang mga account, magagamit ng mga magulang ang Family Link para magawa nila ang mga bagay tulad ng pagsubaybay sa tagal ng paggamit at magabayan nila ang kanilang anak sa content na naaangkop sa edad.
Hindi nagba-block ang Family Link ng hindi naaangkop na content, pero may mga opsyon sa pag-filter na magagamit mo sa pamamagitan ng mga setting nito. May mga opsyon sa pag-filter ang ilang partikular na Google app tulad ng Search, Chrome, at YouTube na makikita mo sa Family Link. Pakitandaang hindi perpekto ang mga filter na ito, kaya posible pa ring makalusot kung minsan ang tahasan, graphic, o iba pang content na ayaw mong makita ng iyong anak. Inirerekomenda naming suriin ang mga setting ng app, at ang mga setting at tool na iniaalok ng Family Link, para mapagpasyahan kung ano ang naaangkop para sa iyong pamilya.
Oo. Mapapagana ng mga magulang ang Family Link sa mga Android device na gumagamit ng Lollipop (5.0) at mas bago.
Oo. Mapapagana ng mga magulang ang Family Link sa mga iPhone na gumagamit ng iOS 11 at mas bago.
Mapapamahalaan ng mga magulang ang halos lahat ng setting at feature ng account ng kanilang anak sa web browser. Walang kailangang i-download na app.
Para sa pinakamagandang resulta, inirerekomenda naming gumamit ang mga bata o teenager na sinusubaybayan gamit ang Family Link ng mga Android device na gumagamit ng bersyon 7.0 (Nougat) o mas bago. Posible ring mailapat sa mga device na gumagamit ng bersyon ng Android na 5.0 at 6.0 (Lollipop at Marshmallow) ang mga setting ng Family Link. Para matuto pa, tingnan ang aming Help Center.
Oo, masusubaybayan ang mga bata at teenager kapag naka-sign in sila sa kanilang Google Account sa mga Chromebook. Magagawa ng mga magulang ang mga bagay tulad ng pamamahala sa mga setting ng Chromebook at account ng kanilang anak, at pagtatakda ng mga paghihigpit sa website. Matuto pa rito.
Bahagya lang na masusubaybayan ang mga bata o teenager na naka-sign in sa iOS, mga web browser, o iba pang hindi sinusubaybayang device. Puwedeng mag-sign in ang mga bata at teenager sa kanilang Google Account sa mga iOS device at web browser nang may pahintulot ng kanilang magulang. Puwedeng patuloy na pamahalaan ng mga magulang ang ilan sa mga setting ng account ng kanilang anak sa YouTube at Google Search, at malalapat ang mga setting na iyon kapag naka-sign in ang bata at gumagamit siya ng mga app at serbisyo ng Google sa iOS device o sa web. Hindi malalapat sa mga aktibidad ng bata sa kanyang iOS device o sa web ang iba pang feature sa Family Link app, tulad ng pamamahala sa mga app na puwedeng gamitin ng iyong mga anak, pag-filter sa nakikita nila sa Chrome, at pagtatakda ng mga limitasyon sa tagal ng paggamit. Matuto pa tungkol sa pag-sign in ng bata/teenager sa mga iOS device at web browser.
Humigit-kumulang 15 minuto ang kailangang ilaan para sa pag-set up ng Google Account at Android device ng iyong anak.
Mga Account
Hindi. Ikaw ang bahalang magpasya kung kailan magiging handa ang iyong anak para sa una niyang Android o ChromeOS device.
Sinusuportahan ng mga ad ang mga serbisyo ng Google at posibleng makakita ang iyong anak ng mga ad kapag gumagamit ng aming mga produkto. Gayunpaman, hindi siya makakakita ng mga naka-personalize na ad at bibigyan ka ng mga tool para matukoy kapag nakakakita ng mga ad ang bata sa mga app.
Oo, magagamit ang Family Link para sumubaybay ng mga teenager (mga batang lampas 13 taong gulang o lampas sa naaangkop na edad na puwede nang magbigay ng pahintulot sa iyong bansa). Hindi gaya ng mga batang wala pa sa edad na puwede nang magbigay ng pahintulot, may kakayahan ang mga teenager na ihinto ang pagsubaybay anumang oras. Kung gagawin nila ito, aabisuhan ka at pansamantalang mala-lock ang kanilang Android device nang 24 na oras, maliban na lang kung i-unlock mo ito. Bilang magulang, mapipili mo ring ihinto ang pagsubaybay para sa mga teenager anumang oras nang walang anumang epekto sa kakayahang magamit ng kanilang device.
Hindi. Hindi puwedeng gamitin ang mga account na ibinigay sa pamamagitan ng trabaho o paaralan para mamahala ng grupo ng pamilya o mamahala ng pagsubaybay sa pamamagitan ng Family Link. Puwede kang gumamit ng personal na Google Account, tulad ng iyong Gmail account sa Family Link.
Karaniwang hindi. Puwede lang magdagdag ang mga bata ng Google Workspace for Education Account maliban pa sa kanilang personal na sinusubaybayang Google Account. Natutulungan kami ng paghihigpit na ito na magpanatili ng mahahalagang gawi ng produkto. Halimbawa, kung may isa pang account sa device, puwedeng lumipat ang mga bata sa account na iyon para mag-download ng mga app mula sa Play nang walang pag-apruba ng magulang.
Kapag 13 taong gulang na ang iyong anak (o ang naaangkop na edad sa iyong bansa), may opsyon siyang gumamit ng hindi sinusubaybayang Google Account. Bago maging 13 taong gulang ang isang bata, makakatanggap ang mga magulang ng email na nagsasabing magiging kwalipikado na ang kanilang anak na pamahalaan ang kanyang account sa kaarawan niya. Pagkatapos nito ay hindi mo na mapapamahalaan ang kanyang account. Sa araw na magiging 13 taong gulang siya, puwedeng piliin ng bata kung gusto niyang pamahalaan ang sarili niyang Google Account o patuloy itong ipamahala sa kanyang magulang. Bilang magulang, mapipili mo ring ihinto ang pagsubaybay anumang oras kapag lampas 13 taong gulang na ang bata.
Handa na ba ang lahat? Kunin ang app.
I-download ang Family Link sa iyong device para manatili kang nakasubaybay habang nag-e-explore ang anak mo.
Walang smartphone?
Puwede mong i-set up ang pagsubaybay online.
Matuto pa