Jump to Content

Panatilihing konektado ang iyong pamilya gamit ang Family Group

Ibahagi ang mga produktong gusto mo sa mga taong mahal mo. Magtakda ng mga digital na panuntunan, panatilihing nalilibang ang iyong pamilya, at mas sulitin ang mga produkto at subscription mo sa Google.
Larawan ng diverse na Family Group

Madali lang magsimula

View ng manager ng pamilya sa Family Group
Gumawa lang ng Family Group na may hanggang 6 na miyembro. Imbitahan ang mga mahal mo sa buhay at piliin kung ano ang ibabahagi mo sa Google.

Mas sulitin ang Google gamit ang Family Group

Mga madalas itanong

Paano gumagana ang Family Group?

Kapag gumawa ka ng Family Group, ikaw ang magiging manager ng pamilya. Ibig sabihin, makakapag-imbita ka ng hanggang 5 pang tao para sumali at kung tatanggapin nila ang iyong imbitasyon, idaragdag sila sa Family Group mo. Magagawa ng mga manager ng pamilya na i-delete ang grupo, mag-imbita, o mag-alis ng mga miyembro anumang oras. Magsimula sa pamamagitan ng paggawa ng iyong Family Group ngayon.

Magkano ang Family Group?

Walang kailangang bayad na membership o subscription para makagawa ng Family Group o makasali rito. Ang Family Group ay nagbibigay-daan sa iyo at sa mga miyembro ng Family Group mo na mas masulit ang mga produkto ng Google na ginagamit na ninyo. Para sa ilang produkto ng Google, kailangang bumili ng mga subscription sa plan ng pamilya para sa mga premium na serbisyo.

Ano ang puwede kong ibahagi sa Family Group?

Kapag nakagawa ka na ng Family Group, makakakita ka ng listahan ng mga app at serbisyo ng Google na mapagpipilian ng manager ng pamilya para maibahagi ng pamilya.

May mga anak ako sa Family Group ko. Paano sila sinusubaybayan?

Mapapamahalaan ng mga manager ng pamilya ang kanilang parental controls para sa mga sinusubaybayang account sa Family Group. Makakapagbigay din ang manager ng pamilya sa isa pang magulang ng mga pahintulot ng magulang para makatulong sa pamamahala ng sinusubaybayang account.

Mayroon bang anumang paghihigpit o kinakailangan?

Para makagawa ng Family Group, dapat ay 18 taong gulang pataas ka na (o ang naaangkop na edad na puwede nang magbigay ng pahintulot sa iyong bansa). Para makasali sa iyong Family Group, dapat ay may Google Account ang mga taong iimbitahan mo. Sa isang Family Group lang makakasali ang mga tao sa isang pagkakataon at puwede lang silang lumipat sa ibang Family Group nang isang beses kada 12 buwan.

Magkaugnay ba ang Family Group at Family Link?

Ang Family Group at Family Link ay dalawang magkaibang serbisyong magagamit nang magkasama. Gamit ang Family Group, maibabahagi mo ang mga paborito mong app at serbisyo tulad YouTube, Play Family Library, Google Assistant, at higit pa.

Kapag gumawa ka ng account ng bata sa iyong Family Group, doon papasok ang Family Link. Nagbibigay-daan sa iyo ang Family Link na magtakda ng mga digital na panuntunan para sa account ng anak mo tulad ng paghihigpit sa content, pag-apruba sa mga pag-download at pagbili ng app, pagtatakda ng tagal ng paggamit, at higit pa. Matuto pa tungkol sa Family Link.

Saan ako puwedeng matuto pa?

Para sa higit pang impormasyon kung paano gumagana ang Family Group, ano ang maibabahagi mo at ng iyong pamilya, at iba pang detalye, bumisita sa help center ng Google For Families.

Posibleng hindi sa lahat ng lokasyon available ang lahat ng produkto at feature.