Gustong matuto tungkol sa iyong privacy sa Google?
Tama ang napuntahan mo! Basahin ang mga tanong na pinakamadalas tanungin ng mga bata, tulad ng kung paano ka matutulungan ng iyong magulang pagdating sa mga bagay-bagay mo sa Google, kung anong impormasyon ang ginagamit ng Google, at higit pa.
Para sa mga magulang, nalalapat lang ang impormasyong ito sa Mga Google Account na pinapamahalaan gamit ang Family Link, na para sa mga batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa). Para sa higit pang detalye, tingnan ang aming Notification ng Privacy at Patakaran sa Privacy.
Sino ang namamahala sa aking account?
Ang iyong magulang ang namamahala sa Google Account mo. Puwede siyang gumamit ng app na tinatawag na Family Link para makatulong na pamahalaan ito. Puwedeng ikaw na ang mamahala sa iyong account kapag nasa naaangkop na edad ka na.
Magagawa ng iyong magulang na gumawa ng mga bagay-bagay gaya ng:
- Mag-sign in sa iyong account, baguhin ang password ng account mo, o i-delete ang iyong account.
- I-lock ang iyong telepono o tablet.
- Tingnan kung nasaan ang iyong telepono o tablet.
- Piliin kung anong mga app ang puwede mong gamitin.
- Alamin kung gaano katagal mong ginagamit ang iyong mga app.
- Baguhin ang mga nakikita mo sa ilang app ng Google, gaya ng Google Search, YouTube, o Google Play.
- Piliin ang iyong Mga Kontrol ng Aktibidad. (Ang mga ito ay mga setting na nagse-save ng impormasyon tungkol sa mga ginagawa mo sa Google.)
- Pumili ng mga setting at pahintulot para sa iyong mga app.
- Piliin ang pangalan, kaarawan, at iba pang impormasyon para sa iyong account.
- Piliin kung ano ang puwede mong i-download o bilhin sa ilang produkto ng Google, gaya ng Google Play.
Paano at bakit ginagamit ng Google ang aking impormasyon?
Posibleng i-save namin ang impormasyong ibinibigay mo o ng iyong magulang sa amin, gaya ng pangalan at kaarawan mo. Nagse-save din kami ng impormasyon kapag ginagamit mo ang aming mga app at site. Pinagsisikapan naming panatilihing ligtas ang impormasyong ito, at ginagamit namin ito para sa iba't ibang dahilan — gaya ng pagpapahusay sa mga app at site ng Google para maging mas kapaki-pakinabang ang mga ito.
Matuto pa, kasama ang iyong magulang, tungkol sa ilang paraan kung saan puwede naming gamitin ang impormasyon mo:
- Paganahin ang aming mga app at site: Halimbawa, kung hahanapin mo ang "mga tuta," gagamitin namin ang iyong impormasyon para makapagpakita sa iyo ng mga bagay-bagay tungkol sa mga tuta.
- Pahusayin ang aming mga app at site: Halimbawa, kung mayroong may problema, puwede kaming gumamit ng impormasyon para maayos ito.
- Protektahan ang Google, aming mga user, at publiko: Gumagamit kami ng impormasyon para mapanatiling mas ligtas ang mga tao online.
- Gumawa ng mga bagong app at site: Inaalam namin kung paano ginagamit ng mga tao ang aming mga kasalukuyang app at site para magkaroon kami ng mga ideya sa mga bagong bagay ng Google na puwede naming buuin.
- Magpakita sa iyo ng mga bagay na posible mong magustuhan: Halimbawa, kung mahilig kang manood ng mga video ng mga hayop sa YouTube Kids, posibleng mas marami pa kaming ipakitang ganito sa iyo.
- Magpakita sa iyo ng mga ad batay sa mga bagay gaya ng site kung nasaan ka.
- Makipag-ugnayan sa iyo: Halimbawa, puwede naming gamitin ang email address mo para magmensahe sa iyo. Palaging magtanong sa isang magulang bago buksan ang mga mensahe mula sa isang taong hindi mo kakilala.
Puwede ko bang sabihin sa Google kung ano ang ise-save?
Oo, puwede mong baguhin ang ilan sa mga bagay na sine-save namin tungkol sa iyo. Kung gagawa ka ng mga pagbabago sa ilan sa iyong mga setting ng privacy, tulad ng Mga Kontrol ng Aktibidad, ipapaalam namin ito sa magulang mo. Puwede ka rin nilang tulungang baguhin ang iyong mga setting.
Anumang oras, magagawa mo at ng iyong magulang na tingnan at pamahalaan ang ilan sa impormasyon tungkol sa iyo at sa Google Account mo.
Ibinabahagi ba ng Google ang aking personal na impormasyon sa iba?
May ilang dahilan kung bakit posible naming ibahagi ang iyong personal na impormasyon, gaya ng pangalan mo, sa labas ng Google. Kung ibabahagi namin ang impormasyong ito, may mga gagawin kaming hakbang para matiyak na mapoprotektahan ito.
Posibleng magbahagi kami ng ilang personal na impormasyon:
- Sa iyong magulang at grupo ng pamilya sa Google
- Sa mga kumpanyang nakikipagtulungan sa amin
- Kapag sinabi ng iyong magulang na puwede namin itong gawin
- Kapag kailangan namin para sa mga legal na dahilan
Sino pa ang nakakakita sa ibinabahagi ko online?
Posibleng makita ng maraming tao ang anumang ibabahagi mo online, tulad ng mga email o larawan. Magbahagi lang sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Kung hindi ka sigurado, magtanong sa magulang o miyembro ng pamilya.
Gustong matuto pa? Hilingin sa iyong magulang na tulungan kang basahin ang aming Patakaran sa Privacy.
Gustong matuto tungkol sa iyong privacy sa Google?
Tama ang napuntahan mo! Dito, malalaman mo kung paano kinokolekta at ginagamit ng Google ang impormasyon habang ginagamit mo ang aming mga app at site. Malalaman mo rin kung paano ka matutulungan ng iyong magulang na pamahalaan ang Google Account at mga device mo.
Para sa mga magulang, nalalapat lang ang impormasyong ito sa Mga Google Account na pinapamahalaan gamit ang Family Link, na para sa mga batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa). Para sa higit pang detalye, tingnan ang aming Notification ng Privacy at Patakaran sa Privacy.
Sino ang namamahala sa aking account?
Sa ngayon, ang iyong magulang ang namamahala sa Google Account mo. Puwede siyang gumamit ng app na tinatawag na Family Link para makatulong na pamahalaan ang iyong account habang wala ka pa sa naaangkop na edad para pamahalaan ito.
Magagawa ng iyong magulang na gumawa ng mga bagay-bagay gaya ng:
- Mag-sign in sa iyong account, baguhin ang password ng account mo, o i-delete ang iyong account.
- Magtakda ng mga limitasyon sa kung kailan at gaano mo katagal puwedeng gamitin ang iyong mga device, gaya ng mga telepono o tablet.
- Tingnan kung nasaan ang iyong telepono o tablet.
- Piliin ang mga app na puwede mong gamitin.
- Alamin kung gaano katagal mong ginagamit ang iyong mga app.
- Pamahalaan ang mga setting ng content para sa ilang app at site ng Google, gaya ng Google Search, YouTube, o Google Play. Mababago ng mga setting na ito ang nakikita mo.
- Pamahalaan ang Mga Kontrol ng Aktibidad para sa iyong account, gaya ng History sa YouTube, kasama ang pag-block sa iyo para hindi mo mapamahalaan ang mga kontrol na ito.
- Suriin ang mga pahintulot para sa mga app sa iyong telepono o tablet, gaya ng kung puwedeng gamitin ng mga app ang mikropono, camera, o mga contact mo.
- Tingnan, baguhin, o i-delete ang impormasyon tungkol sa iyong account, gaya ng pangalan, kasarian, o petsa ng kapanganakan mo.
- Aprubahan ang mga pag-download at pagbili mo sa ilang app at site ng Google, gaya ng Google Play.
Paano at bakit ginagamit ng Google ang aking impormasyon?
Gaya ng karamihan ng mga site at app, kinokolekta namin ang impormasyong ibinibigay mo o ng isang magulang sa amin, gaya ng iyong pangalan at petsa ng kapanganakan, at nangongolekta kami ng impormasyon habang ginagamit mo ang aming mga app at site. Pinagsisikapan naming panatilihing ligtas ang impormasyong ito, at ginagamit namin ito para sa mga bagay-bagay gaya ng pagpapahusay sa aming mga produkto para maging mas kapaki-pakinabang ang mga ito sa iyo. Halimbawa, nangongolekta kami ng data para magawang:
- Paganahin ang aming mga app at site: Halimbawa, kung hahanapin mo ang "sports," gagamitin namin ang iyong impormasyon para makapagpakita sa iyo ng mga bagay-bagay tungkol sa sports.
- Pahusayin ang aming mga app at site: Halimbawa, kung mayroong may problema, puwede kaming gumamit ng impormasyon para maayos ito.
- Protektahan ang Google, aming mga user, at publiko: Gumagamit kami ng impormasyon para mapanatiling mas ligtas ang mga tao online, gaya sa pag-detect ng panloloko at pag-iwas dito.
- Gumawa ng mga bagong app at site: Inaalam namin kung paano ginagamit ng mga tao ang aming mga kasalukuyang app at site para magkaroon kami ng mga ideya sa mga bagong produkto ng Google na puwede naming buuin.
- Mag-personalize ng impormasyon para sa iyo, ibig sabihin, magpakita ng mga bagay na sa palagay namin ay magugustuhan mo. Halimbawa, kung mahilig kang manood ng mga video ng mga hayop sa YouTube Kids, posibleng mas marami kaming irekomendang puwede mong panoorin.
- Magpakita sa iyo ng mga ad batay sa mga bagay gaya ng site kung nasaan ka.
- Makipag-ugnayan sa iyo: Halimbawa, puwede naming gamitin ang email address mo para magmensahe sa iyo, gaya ng kung may isyu sa seguridad. Palaging magtanong sa isang magulang bago buksan ang mga mensahe mula sa isang taong hindi mo kakilala.
Puwede ko bang sabihin sa Google kung ano ang ise-save?
Oo, puwede mong baguhin ang ilan sa mga bagay na sine-save namin tungkol sa iyo. Halimbawa, kung ayaw mong i-save namin ang iyong History sa YouTube sa Google Account mo, puwede mong i-off ang History sa YouTube. Kung gagawa ka ng mga pagbabago sa ilan sa iyong mga setting ng privacy, tulad ng Mga Kontrol ng Aktibidad, ipapaalam namin ito sa magulang mo. Puwede ka rin nilang tulungang baguhin ang iyong mga setting.
Anumang oras, magagawa mo at ng iyong magulang na tingnan at pamahalaan ang ilan sa impormasyon tungkol sa iyo at sa Google Account mo.
Ibinabahagi ba ng Google ang aking personal na impormasyon sa iba?
May ilang dahilan kung bakit namin ibabahagi ang iyong personal na impormasyon, tulad ng pangalan at email address mo, sa labas ng Google. Kung ibabahagi namin ang impormasyong ito, may mga gagawin kaming hakbang para matiyak na mapoprotektahan ito.
Posibleng magbahagi kami ng ilang personal na impormasyon:
- Sa iyong magulang at grupo ng pamilya sa Google
- Sa mga kumpanyang nakikipagtulungan sa amin
- Kapag sinabi ng iyong magulang na puwede namin itong gawin
- Kapag kailangan namin para sa mga legal na dahilan
Sino pa ang nakakakita sa ibinabahagi ko online?
Posibleng makita ng maraming tao ang anumang ibabahagi mo online, tulad ng mga email o larawan. Kapag naibahagi na online ang isang bagay, puwedeng mahirap na itong alisin. Magbahagi lang sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Kung hindi ka sigurado, magtanong sa magulang o miyembro ng pamilya.
Gustong matuto pa? Hilingin sa iyong magulang na tulungan kang basahin ang aming Patakaran sa Privacy.
Gustong matuto tungkol sa iyong privacy sa Google?
Dito, malalaman mo kung paano kinokolekta at ginagamit ng Google ang impormasyon habang ginagamit mo ang aming mga app at site. Malalaman mo rin kung paano ka matutulungan ng iyong magulang na pamahalaan ang Google Account at mga device mo.
Nalalapat lang ang impormasyong ito sa Mga Google Account na pinapamahalaan gamit ang Family Link, na para sa mga bata at teenager na wala pa sa minimum na kinakailangang edad para pamahalaan ang kanilang sariling account. Para sa higit pang detalye, tingnan ang aming Notification ng Privacy at Patakaran sa Privacy.
Puwede bang tumulong ang aking magulang na pamahalaan ang aking account?
Puwedeng gumamit ang iyong magulang ng app na tinatawag na Family Link para matulungan kang pamahalaan ang mga aspeto ng Google Account mo. Depende sa iyong device, magagawa niyang gumawa ng mga bagay-bagay gaya ng:
- Mag-sign in sa iyong account, baguhin ang password ng account mo, o i-delete ang iyong account.
- Magtakda ng mga limitasyon sa kung gaano mo katagal puwedeng gamitin ang iyong mga device, at kung kailan.
- Tingnan ang lokasyon ng iyong mga naka-sign in at aktibong device.
- Pamahalaan ang iyong mga app at alamin kung gaano mo kadalas ginagamit ang mga ito.
- Pamahalaan ang mga setting ng content para sa ilang app at site ng Google, gaya ng Google Search, YouTube, o Google Play. Mababago ng mga setting na ito ang nakikita mo.
- Pamahalaan ang Mga Kontrol ng Aktibidad para sa iyong account, gaya ng History sa YouTube, kasama ang pag-block sa iyo para hindi mo mapamahalaan ang mga kontrol na ito.
- Suriin ang mga pahintulot para sa mga app sa iyong device, gaya ng kung puwedeng gamitin ng mga app ang mikropono, camera, o mga contact mo.
- Tingnan, baguhin, o i-delete ang impormasyon tungkol sa iyong account, gaya ng pangalan, kasarian, o petsa ng kapanganakan mo.
- Aprubahan ang mga pag-download at pagbili mo sa ilang app at site ng Google, gaya ng Google Play.
Paano at bakit kinokolekta at ginagamit ng Google ang aking impormasyon?
Gaya ng karamihan ng mga site at app, kinokolekta namin ang impormasyong ibinibigay mo o ng isang magulang sa amin, gaya ng iyong pangalan at petsa ng kapanganakan, at nangongolekta kami ng impormasyon habang ginagamit mo ang aming mga app at site. Pinagsisikapan naming panatilihing ligtas ang impormasyong ito, at ginagamit namin ito para sa mga bagay-bagay gaya ng pagpapahusay sa aming mga produkto para maging mas kapaki-pakinabang ang mga ito sa iyo. Halimbawa, nangongolekta kami ng data para magawang:
- Protektahan ang Google, aming mga user, at publiko: Gumagamit kami ng data para mapanatiling mas ligtas ang mga tao online, gaya sa pag-detect ng panloloko at pag-iwas dito.
- Ibigay ang aming mga serbisyo:Gumagamit kami ng data para maibigay ang aming mga serbisyo, gaya ng pagpoproseso sa mga terminong hinahanap mo para makapagbalik kami ng mga resulta.
- Panatilihin at pahusayin ang aming mga serbisyo: Halimbawa, masusubaybayan namin kapag huminto ang aming mga produkto sa paggana sa naaangkop na paraan. At ang pag-unawa sa mga termino para sa paghahanap na pinakamadalas maibaybay nang hindi tama ay nakakatulong sa aming pahusayin ang mga feature ng pang-check ng pagbabaybay na ginagamit sa aming mga serbisyo.
- Mag-develop ng mga bagong serbisyo: Nakakatulong ang data sa amin na mag-develop ng mga bagong serbisyo. Halimbawa, ang pag-unawa sa kung paano inayos ng mga tao ang kanilang mga larawan sa Picasa, ang kauna-unahang app ng mga larawan ng Google, ay nakatulong sa aming idisenyo at ilunsad ang Google Photos.
- Mag-personalize ng content, ibig sabihin, magpakita ng mga bagay na sa palagay namin ay magugustuhan mo. Halimbawa, kung mahilig kang manood ng mga video ng sports sa YouTube, posibleng mas marami kaming irekomendang puwede mong panoorin.
- Magpakita sa iyo ng mga ad batay sa impormasyon gaya ng site kung nasaan ka, mga termino para sa paghahanap na inilagay mo, o iyong lungsod at estado.
- Sukatin ang performance: Gumagamit kami ng data para masukat ang performance at maunawaan kung paano ginagamit ang aming mga serbisyo.
- Makipag-ugnayan sa iyo: Halimbawa, puwede naming gamitin ang email address mo para magpadala sa iyo ng notification kung may matutukoy kaming kahina-hinalang aktibidad.
Paano ko mapagpapasyahan kung ano ang ise-save ng Google?
Sa iyong mga setting, malilimitahan mo ang data na kinokolekta namin at kung paano ginagamit ang data na iyon. Halimbawa, kung ayaw mong i-save namin ang iyong History sa YouTube sa Google Account mo, puwede mong i-off ang History sa YouTube. Aabisuhan ang iyong magulang kung gagawa ka ng mga pagbabago sa Mga Kontrol ng Aktibidad mo. Matuto pa tungkol sa iyong mga setting ng privacy
Anumang oras, magagawa mong tingnan at pamahalaan ang ilan sa impormasyon tungkol sa iyo at sa Google Account mo.
Ibinabahagi ba ng Google ang aking personal na impormasyon sa iba?
Hindi namin ibinabahagi ang iyong personal na impormasyon sa mga kumpanya, organisasyon, o indibidwal sa labas ng Google maliban sa mga limitadong sitwasyon, gaya ng kapag inaatasan kami ng batas. Kung ibabahagi namin ang impormasyong ito, may mga gagawin kaming hakbang para matiyak na mapoprotektahan ito.
Posibleng magbahagi kami ng ilang personal na impormasyon:
- Sa iyong magulang at grupo ng pamilya sa Google.
- Kapag ikaw at ang iyong magulang ay nagbigay sa amin ng pahintulot, o para sa mga legal na dahilan. Magbabahagi kami ng personal na impormasyon sa labas ng Google kung sa palagay namin ay posibleng kinakailangan ito para magawang:
- Makasunod sa anumang naaangkop na batas, regulasyon, legal na proseso, o naipapatupad na kahilingan ng pamahalaan.
- Maipatupad ang naaangkop na Mga Tuntunin ng Serbisyo, kabilang ang pagsisiyasat sa mga potensyal na paglabag.
- Matukoy, maiwasan, o kaya ay matugunan ang panloloko, mga isyu sa seguridad, o mga teknikal na isyu.
- Maprotektahan laban sa pinsala sa mga karapatan, ari-arian o kaligtasan ng Google, ang aming mga user o ang publiko gaya ng iniaatas o pinahihintulutan ng batas.
- Para sa external na pagpoproseso. Nagbibigay kami ng personal na impormasyon sa mga kumpanyang nakikipagtulungan sa amin para maproseso ang data batay sa mga tagubiling ibinibigay namin sa kanila. Halimbawa, gumagamit kami ng mga external na kumpanya na makakatulong sa amin sa customer support, at kailangan naming magbahagi ng personal na impormasyon sa kumpanya para masagot ang mga tanong ng user.
Sino pa ang nakakakita sa mga bagay na ibinabahagi ko gaya ng mga larawan, email, at dokumento?
Puwede mong piliing magbahagi ng partikular na content sa ibang taong nasa mga Google app at site na iyong ginagamit.
Huwag kalimutang kapag nagbahagi ka, posibleng ibahagi ulit ito ng ibang tao, kahit sa mga app at site na nasa labas ng Google.
Puwede mong i-delete ang iyong sariling content sa account mo anumang oras, pero hindi nito ide-delete ang mga kopyang naibahagi mo na.
Maging maingat sa ibinabahagi mo, at magbahagi lang sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan.
Para matuto pa tungkol sa mga paksang ito, puwede mong tingnan anumang oras ang aming Patakaran sa Privacy.