Suriin ang compatibility ng iyong device

Para sa mga bata at teenager

Gagana ang pagsubaybay gamit ang Family Link sa mga Android device na may bersyon 7.0 (Nougat) at mas bago. Posible ring mailapat sa mga device na gumagamit ng bersyon ng Android na 5.0 at 6.0 (Lollipop at Marshmallow) ang mga setting ng Family Link. Tingnan ang aming Help Center para sa higit pang detalye.

Para sa mga magulang

Mapapagana ng mga magulang ang Family Link sa mga Android device na gumagamit ng bersyon 5.0 (Lollipop) at mas bago, at sa mga iPhone na gumagamit ng iOS 11 at mas bago.

May maliit na batang nanonood sa screen ng tablet habang nagpapahinga sa kandungan ng kanyang ama sa labas.
Mga Setting
System
Petsa at oras
Nakaiskedyul na pag-on at pag-off
Accessibility
Update sa Software
Pangkalahatang Pamamahala
Tungkol sa telepono

Alamin kung anong bersyon ng Android ang ginagamit mo

1. Buksan ang app na 'Mga Setting' sa iyong Android device.

2. Mag-scroll pababa.

3. I-tap ang Tungkol sa telepono o Tungkol sa tablet para makita ang numero ng iyong bersyon.

Gumagana rin sa Chromebook ang Family Link

Manatiling nakasubaybay kapag nag-sign in ang iyong anak sa isang Chromebook gamit ang sarili niyang account. Gagana ang pagsubaybay gamit ang Family Link sa mga Chromebook na may bersyon ng Chrome OS na 71 o mas bago.

Matuto pa
May babaeng nakaupo sa labas habang gumagamit ng Google Chromebook.