Tulungan ang iyong mga kapamilya na maramdamang mas ligtas sila online
Nagbibigay ang Family Link ng mga tool na gumagalang sa kanya-kanyang pagpili ng mga pamilya pagdating sa teknolohiya, na tumutulong sa kanilang magkaroon ng maiinam na positibong digital na kasanayan. Sa mga tool na madaling gamitin, mauunawaan mo kung paano ginugugol ng iyong anak ang oras niya sa kanyang device, makakapag-share ka ng lokasyon, mapapamahalaan mo ang mga setting ng privacy, at mahahanap mo ang tamang balanse para sa iyong pamilya.*
Mag-sign inMagtakda ng mga panuntunan sa digital space
Magtakda ng mga limitasyon sa tagal ng paggamit
Alamin ang tagal ng paggamit na pinakamainam para sa iyong anak. Sa Family Link, puwede kang magtakda ng mga pang-araw-araw na limitasyon sa oras, gamit ang iskedyul ng Oras ng Pasok sa Paaralan at Downtime para sa kanyang mga device, kaya matutulungan mo ang iyong anak na makahanap ng mainam na balanse.
Pamahalaan ang mga app ng iyong anak
Ibigay sa anak mo ang flexibility na kailangan niya pagdating sa paggamit ng app. Magtakda ng mga indibidwal na time limit sa app, at unlimited na oras para sa mga app na pang-edukasyon o regular na ginagamit. Puwede ka ring mag-block ng mga app.
Magtakda ng mga panuntunan sa digital space

Pamahalaan ang mga filter ng content, seguridad, at privacy
Pamahalaan ang nakikita niya online
Mag-set up ng parental controls sa mga serbisyo ng Google gaya ng Chrome, Play, YouTube, at Search. Sa Family Link, magagawa mong i-block ang mga hindi naaangkop na site, humingi ng pag-apruba para sa mga bagong app, at pamahalaan ang mga pahintulot.
I-secure ang kanyang account
Binibigyan ka ng Family Link ng access sa account at mga setting ng data ng iyong anak. Bilang magulang, puwede kang tumulong na baguhin o i-reset ang password ng iyong anak kung malimutan niya ito, i-edit ang kanyang personal na impormasyon, o kahit i-delete ang kanyang account kung sa tingin mo ay kailangan.
Disclaimer: *Magagawa ng mga batang lampas na sa naaangkop na edad naaangkop na edad na pamahalaan ang sarili nilang account.
Pamahalaan ang mga filter ng content, seguridad, at privacy
Pamahalaan ang nakikita niya online
Mag-set up ng parental controls sa mga serbisyo ng Google gaya ng Chrome, Play, YouTube, at Search. Sa Family Link, magagawa mong i-block ang mga hindi naaangkop na site, humingi ng pag-apruba para sa mga bagong app, at pamahalaan ang mga pahintulot.
I-secure ang kanyang account
Binibigyan ka ng Family Link ng access sa account at mga setting ng data ng iyong anak. Bilang magulang, puwede kang tumulong na baguhin o i-reset ang password ng iyong anak kung malimutan niya ito, i-edit ang kanyang personal na impormasyon, o kahit i-delete ang kanyang account kung sa tingin mo ay kailangan.
Manatiling konektado on the go
Alamin kung nasaan siya
Kapaki-pakinabang na magawa mong hanapin ang iyong mga kapamilya kapag on the go sila. Gamit ang Family Link, mahahanap mo ang iyong mga anak sa mapa, hangga't dala nila ang kanilang device.**
Makatanggap ng mga notification at alerto
Naghahatid ang Family Link ng mahahalagang notification kapag dumating o umalis ang iyong anak sa partikular na lokasyon. Magagawa mo ring magpa-ring ng mga device at tingnan ang natitirang baterya ng device.